video credit to UNTV News & Rescue
Isinakatuparan na ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) ang agarang pagbuo ng grupo na tutulong upang mapabilis ang pagpapauwi ng mga OFW na kasalukuyang nasa quarantine facilities sa Pilipinas. Ito ay ayon sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte na agarang pagpapauwi sa mga OFW na nagnegatibo sa COVID sa isinagawang testing ng Philippine Coast Guard at Red Cross. Ang detalye ay isinapubliko noong 27 ng Mayo 2020.
Ayon sa PCG kabuuang 7,217 OFWs na ang kanilang naasistihan kung saan 1,677 dito ang nakauwi na sa kani-kanilang mga lalawigan at probinsya via land transport habang 5,540 naman ang via air transport.
Humigit kumulang 24,000 na OFW ang kasalukuyang nasa quarantine facilities ng Pilipinas simula ng ipatupad ang lockdown at quarantine
Sa lahat ng OFW na lalapag sa bansa. Marami sa mga magagawa ang nagrereklamo sa mabagal na proseso ng paglabas ng resulta na umaabot ng ilang linggo at minsan ay buwan.
Alinsunod sa administrative order,nagsawa si Labor Secretary Silvestre Bello III ng hiwalay na grupo upang mas mapabilis ang paglabas ng mga manggagawa na magbabalik trabaho sa mga bansang muling nagbukas sa pagtangap ng balik mangagawa sa kani-kanilang bansa.
“We are doing this so as we don’t lose the jobs for our OFWs, while at the same time we help facilitate the quick homecoming and be of assistance to our returning aworkers,” ayon kay Bello
Ayon sa kanya hindi kagustuhan ng gobyerno na pahirapan ang mga OFW . “DOLE and OWWA simply had no control over the testing and issuance of clearances,” saad niya.
Maliban sa pagpapabilis ng proseso ng papasok at paglabas ng mangagawa ng bansa, ang grupo ng “hatid-probinsya” at “balik-abroad” ay maaari ring umagapay sa mga OFW na kasalukuyang nasa ibang bansa pa at nagnanais na bumalik sa Pilipinas.
Ang grupo ay nakabase sa Central Command Center sa panguguna ng OWWA, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at DOLE’s International Labor Affairs Bureau. Ito ay pamumunuan ng dating labor secretary Marianito Roque at tatlong labor undersecretaries.
0 Comments