OFW sa UAE umalma sa bagong proseso sa pagtangap ng AYUDA.

Written By Voyage Online Magazine

VOYAGE is an online magazine that is based in DUBAI that showcases creativity through fashion, glamour , art photography and current events.

Dear Sir/Ma’am:
 
Greetings!

Your application for the DOLE AKAP has been approved.

Please go to POLO on 13 MAY 2020, WEDNESDAY, between 9AM TO 10AM only, to claim your financial assistance.

Please bring one (1) valid ID and show this email to the guard so they can let you in.

Kindly confirm if this is okay with you by replying to this email.

Thank you and keep safe.

Wow thanks GOD!!! Ayan ang nasambit ng isa sa mga OFW na nasa Dubai ng makatangap sya ng mensahe mula sa DOLE. Hindi nya inaasahan na totoo pala ang AYUDA mula sa gobyerno. Nagsumite siya ng application sa DOLE noong 17 ng Abril 2020.

Ayon sa DOLE ang proseso ay humigit kumulang isang linggo lamang at makakatangap ka ng mensahe sa email kung naaprubahan ba ang aplikasyon mo o hinde. At isang pang linggo ulit para sa proseso ng pagtangap ng pera. Subalit ilang linggo na ang lumipas at wala pa ring anumang kumpirmasyon na natatangap sa ahensya. Kung kaya’t lubos siyang nagpapasalamat ng makakatangap siya ng kumpirmasyon.

“Pero bakit kailangan ko pumunta sa POLO DUBAI office? Alam na nga nilang may COVID pa at patuloy ang pagtaas ng biglang ng apektado tapos papupuntahin ako sa office nila sa Al qusais hindi ba’t sa exchange house o sa bank account isesend ang ayuda? Anong nangyari?”  ang sunod sunod na tanong niya. 

Kung kaya’t nagpadala kami ng mensahe sa kanilang email at ito ang kanilang tugon. 

 

1. Bakit kailangan pumunta sa opisina ninyo kung patuloy ang pagtaas ng COVID sa UAE? 

“Mayroon lamang kaukulang limit ng mga approved applicant ang kanilang pinapapunta sa kanilang opisina. Alinsunod sa gobyerno ng Dubai maaari silang tumangap ng 30% na kliyente sa kanilang opisina. Kung kaya’t may kaukulang oras at araw lamang ang pagkuha ng ayuda. “

2.  Paano kung hindi nakapunta sa araw ng appointment? 

” Maaaring ipareschedule kung hindi makakapunta sa nakalaang oras at araw.”

3. Hindi ba’t ayon sa advisory nyo sa Exchange house o bank account siya ipapadala?

“Hindi naman po kami namimilit na magpunta po sila sa POLO para mag-claim; bagkus, nagbibigay lamang po kami ng karagdagang pagpipilian. We still remit for those who asked and signified that remittance is their preference.”

3. Bakit hindi na lang lahat ipadala sa Exchange house o bank account?

“Marami sa mga OFW na expired na Emirates ID o hindi nila hawak ang EID nila. Marami rin na hindi hawak ang kanilang pasaporte na may valid visa na kailangan sa remittance center kung walang emirates ID. Kung kaya’t napagdesisyonan namin na maaari ng kolektahin ang ayuda sa aming opisina.”

Ayon sa kanila maaari pa rin namang makuha ang ayuda sa mga remittance center. Kailangan lamang ipagbigay alam sa kanilang email na ninanais nila itong makuha sa remittance o bank account. Kinakailangan lamang isumite ang kopya ng emirates id (at siguraduhing nasa kanila ang mga ito).

At kung ninanais naman itong matangap sa inyong banko. Kailangan lamang isumite ang mga sumusunod na detalye:

ACCOUNT NAME:

ACCOUNT NUMBER:

BANK NAME:

IBAN

Magandang balita na mayroon na talaga sa mga kakabayan natin ang nakatangap na ng ayuda.

Subalit isa lang ang iiwan naming katanungan. Kung optional naman pala ang pagpunta sa opisina ninyo upang matangap ang ayuda bakit hindi malinaw na nakasaad ito sa email ninyo bagkus kung babasahin ang paunang mensahe ninyo sa email malinaw na nakasaad na ang tanging paraan lamang ay pumunta sa opisina ninyo?

You May Also Like…

DOLE AKAP UPDATE

DOLE AKAP UPDATE

Pursuant to DOLE Department Order No. 212, series of 2020 – Prescribing Guidelines on the Provision of Financial...

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *