DOLE AKAP : Paano mag follow up?

Written By Voyage Online Magazine

VOYAGE is an online magazine that is based in DUBAI that showcases creativity through fashion, glamour , art photography and current events.
Bakit hanggang ngayon wala pa rin akong update sa DOLE-AKAP application ko?

Ang DOLE-AKAP ay ang Financial Assistance program na inilunsad ng Philippine Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Ang proseso ay mula sa pagkatanggap ng application, sisimulan na ang pag-proceso ng application. Ang proseso ay aabot ng 5-10 working days.

Marami sa mga OFW sa UAE ang nagsumite subalit hanggang ngayon ay wala pa ring natatangap na kompirmasyon mula sa ahensya kahit ilang linggo na ang lumipas at ang iba naman ay buwan ang nagdaan. 

Ano ang dapat gawin kung tapos na ang 5-10 working days?

1. Ichek muna ang email kung wala talagang nareceive na update mula sa POLO sapagkat kadalasan ay hindi lamang natin ito nabasa. Icheck din ang spam mail.

2. Kung wala talagang email na nareceive, maaaring magmensahe sa POLO sa kanilang email address  polodubai.info@gmail.com . Ibigay ang inyong pangalan, email address at mobile number na isinulat sa form. 

 3. Kung wala pa rin kayong narereceive na sagot sa kanila in 2-3 days, maaari nyo silang tawagan sa

tel : 042207011 | Hotline: 0506526626

Ano ang dapat gawin kung nakatangap ng email subalit tapos na ang schedule ng pagkuha ng ayuda?

Magpadala lamang ng mensahe sa kanilang email address na polodxbakap@polodubaiportal.org. 

Iclick ang link http://voyageomag.com/2020/05/27/approvedayuda/ para malaman ang proseso ng pagkuha ng pera kung naapprove na ang iyong aplikasyon. 

Maraming OFW na sa UAE ang nakatangap na ng ayuda mula sa pamahalaan. Huwag po nating pairalin ang katamaran sa pagsumite ng aplikasyon. Maraming OFW ang wala na nga makain at pambayad sa renta sa bahay dahil sa COVID ay inuuna pa ang PAGTIKTOK at paglaro ng Mobile Legend kahit kwalipikado sila. Kadalasan ay pinaiiral ang katamaran at pagiging negatibo na hindi totoo ang programang ito. Maraming mga kwalipikadong OFW ang nag-aantay ng ayuda sa nasabing programa subalit hindi naman nagsusumite ng aplikasyon. 

Lagi po nating tandaan “ Wag pairalin ang katamaran sa panahon ng krisis.” 

You May Also Like…

DOLE AKAP UPDATE

DOLE AKAP UPDATE

Pursuant to DOLE Department Order No. 212, series of 2020 – Prescribing Guidelines on the Provision of Financial...

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *